Sunday, September 8, 2019

TEACHER NA RIN PO AKO MA'AM

After ng klase ko sa Grad School nagpunta ako sa mall para magbayad ng bills at para magpalamig na rin. Medyo masakit yung hita ko so I decided to take a seat, sa tabi ko may naaninag akong kilalang mukha. Alam ko teacher siya sa Lopez Elementary School (school ko noon), di ko man siya naging teacher pero kilala ko siya. Mag isa siyang nakaupo sa bench, may hinihintay. Tamang tama na nabanggit sa klase namin kanina na yung mga teachers, especially seasoned teachers they are always looking forward to see students na makikilala sila sa mall o sa kahit saang public place. Then I greeted her with a smile saying Hi, Ma'am, Kamusta po? Kitang kita ko kung paano siya mag smile, very real; "Hello". Alam kong gusto niyang hindi ko mahalata na hindi niya ako kilala kaya nagtanong siya "Ano nga ang name mo"? After saying my name, alam kong kunwari nakilala niya ako, Sabi niya dalawa lang daw ang tumatawag sa kanya ng Ma'am, either dating katrabaho o kaya naman dati niyang estudyante. Kinamusta ko si Ma'am sabi niya retired na daw siya. Tinanong niya ako kung ano na daw ang trabaho ko, ngumiti ako at sinabi kong "TEACHER NA RIN PO AKO MA'AM". Nakita ko ulit yung masayang ngiti ni Ma'am. Sinabi ko kung saan ako nagtuturo at medyo nagulat ako sa sagot niya "Sa NU? Doon ako graduate". Nagulat ako ng bahagya kasi naisip ko ang liit ng mundo, nasa Los BaƱos ako ngayon at umuuwi lang para sa klase ko tuwing Sabado. May gusto bang ipahiwatig ang mundo?
Pagkatapos naming magkamustahan natigilan ako, medyo sumusulyap pa ako noon kay Ma'am. Nakita ko yung sarili ko.
Kapag kaya dumating yung panahong mag retire na ako, kakamustahin kaya ako ng mga dating estudyante ko?
Makikilala pa kaya nila ako?
Ngingitian kaya nila ako sa mall, sa palengke o kung saan man?
Sana.
Sana, maalala natin yung mga gurong nagsakripisyo ng oras at gumugol ng panahon para matuto tayo, Sana maalala natin yung mga gurong hindi sumuko sa atin. Sana makuha natin silang ngitian kung makasalubong natin sila sa daan, sana alalahanin natin yung mga minsa'y naging pangalawang magulang natin.
Sana, dumating yung panahon na may makapag sabi rin sa akin " TEACHER NA RIN PO AKO MA'AM".