Thursday, February 14, 2013

BAKIT SA PILIPINAS NAG-AARAL ANG MGA KOREANO?


Maipagmamalaki talaga ang edukasyon sa Pilipinas. Patunay nito ang pagpasok ng mga dayuhang mag-aaral sa ating bansa para makapag-aral. Nakatutuwang isipin na sa dinarami-raming magagaling na paaralan sa buong mundo ay ang inang bayan pa natin ang napili nila. Ano ba talaga ang meron sa edukasyong pinoy?  O ano ba talaga ang maipagmamalaki ng pinoy pagdating sa ganitong usapin?

Bigyang diin natin ang mga kapatid nating koreanong nag-aaral sa Pilipinas. Tingin nyo, bakit ang bansa natin ang napili nila? Simpleng tanong na may simpleng sagot, pero may malalim na pag-unawa.

Masasabi bang, dahil mura ang edukasyon dito? O dahil, maganda talaga ang sistema ng edukasyon satin? Madali lang sagutin ang tanung ko, kung pag-iisipan mo! Di na kailangan patanung pa sa iba dahil proweba na ang kanilang pagpunta. Isipin mo man ng may duda, makita naman ang ibedensya.

Nung una, maraming nagtataka satin kung bakit may ibang lahi sa ganito o ganyang paaralan, maiintindihan ba nila yung tinuturo dito? Tanung na kahit yung iba satin dati ay di alam ang kasagutan. Pero ngayong mga panahon, kahit sino yata alam na ang dahilan. Sa totoo lang, napakalaking tulong sa iba nating kababayan ang kanilang pag-iistay sa lupain natin. May mga nalilikhang trabaho para sating lahat, at kapalit nito ay ang pagbibigay ng ating mga kaalaman sa kanila, pagdating sa edukasyon at iba pang aspekto. Nakikita natin yung pagtutulungan ng bawat isa pagdating sa lahat ng bagay, pagbibigay ng kaalaman at tulong, at magandang samahan sa iisang bansa.

Ano man ang dahilan ng kanilang pananatili sa ating bansa, isa sila sa mga dahilan kung bakit ang Pilipinas ay nananatili sa kanyang dapat kalagyan sa aspekto ng edukasyon. Dahil hanggang ngayon, pinagkakatiwalaan ang ibang lahi ang edukasyong sa Pilipinas. At sana mapukaw din tayo ng kanilang determinasyong ipagmalaki at ikarangal ang Pilipinas pagdating sa ganitong usapin.

Marami mang hirap ang pinagdadaanan ng dalawang lahi, makikita ang magagandang dulot sa bawat isa at ito ay ang pag-unlad ng bawat indibidwal. Dapat nga ipagsigawan ang lahing ating pinagmulan, dahil tayo ang perlas ng silangan. Huwag ding kalimutan, ang nagbigay ng kaganapan sa ating mga buhay. SIYA lang ang tunay na  nakakaalam.

1 comment:

  1. I was diagnosed as HEPATITIS B carrier in 2013 with fibrosis of the
    liver already present. I started on antiviral medications which
    reduced the viral load initially. After a couple of years the virus
    became resistant. I started on HEPATITIS B Herbal treatment from
    ULTIMATE LIFE CLINIC (www.ultimatelifeclinic.com) in March, 2020. Their
    treatment totally reversed the virus. I did another blood test after
    the 6 months long treatment and tested negative to the virus. Amazing
    treatment! This treatment is a breakthrough for all HBV carriers.

    ReplyDelete